MT1

 Mini Task 01- Uri ng Pagsulat

Pagbabagong Hangad

Journalistic: Feature Writing

 

                   Sa aming panahon noon, ako’y araw-araw na nagmamasid sa kung gaano ka ganda ang ating mundo, rinig ko ang tinig ng mga ibon, ang malakas na ihip ng hangin, kita ng aking mga mata ang mapayapang kapaligiran, ang ganda ng mga ulap at kung gaano ka liwanag ang langit, ako’y napahanga sa kung gaano ka malikhain ang Panginoon sapagkat nakabuo siya ng mundong napakaganda. Ngunit nagdaan at lumipas ang maraming panahon, lahat ay nagbago na dahil tayong mga tao ay hindi marunong magbigay halaga sa kung ano ang ipinagkaloob sa atin. Mga punong kay tangkad at kay lusog, dali-dali na lamang na pinuputol, karagatan na dapat ay kasing linaw ng ating mga mata, nagiging tambakan na lamang ng basura, mga bundok na sinisira kapalit ng naglalakihang gusali, ang preskong hangin na napalitan ng maruming hangin na puno ng alikabok at ang mga palayan na natutuyo dala ng init ng panahon sapagkat tayong mga tao ay hindi marunong magbigay halaga sa ating kapaligiran.

                   Ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ay, “maibabalik pa kaya ang ganda ng kahapon?” Kay hirap isipin na maraming tao ang naghihirap ng labis dulot ng pagbabago ng ating paligid. Maraming mga tao ang nagkakasakit dahil ang ating paligid ay napakarumi bunga ng ating mga maling gawain.

                   Mangiyak-ngiyak ang aking mga mata dahilan sa lungkot na nadarama ng aking puso, hindi ko mapigilan ang aking emosyon sapagkat ako’y labis na nasasaktan sapagkat nakatatak sa aking isipan na kung tayo ay marunong lang mangalaga sa ating kapaligiran, tayong lahat sana’y nabubuhay ng masagana at mayroong malusog na pangangatawan at sana’y walang nabubuhay sa poot at hirap. Inisip ko na kung tayong lahat ay magtutulungan at gagawa ng aksyon upang mabalik ang ganda ng ating kalikasan, sigurado akong tayo’y magtatagumpay sa pagkamit ng ating hinahangad na bagong mundo, kaya sana’y huwag tayong maging batugan sa paggawa ng pagbabago dahil tayo rin lang namang mga tao ang makikinabang dito.

Comments