EPILOGO

    Ang asignaturang Filipino para sa pangatlong kwarter ay mahirap para ilan ngunit ito rin ay isang masayang paglalakbay para sa aming hindi gaanong mahusay mag sulat sa wikang Filipino dahil sa tulong nito, mas natuto at naging malawak ang aming bokabularyo sa kabuoan ng Filipino 201.

    Hindi naging madali ang pangatlong kwarter na Filipino 201, Marami saaming mga kaklase ang hindi bihasa sa tagalog at ito ay nakaka-alarma sapagkat mas alam pa ang wikang ingles kesa sa wikang filipino ngunit kahit ganyan pa man ay ginawa naming ang lahat upang matuto at maging bihasa sa asignaturang Filipino, at ang nagpapatunay niyan ay ang mga awtput namin sa asignaturang ito. Para sa aming unang mini task ay gumawa kami ng uri ng sulatin, nagtipon ang grupo at nakagawa kami ng isang maikling kwento, naging masaya kami sa paggawa dahil naging parte ito ng aming pagsasanay upang maging bihasa sa asignaturang ito.

    Ang lakbay sanaysay at ang replektibong sanaysay ay hinasa ang aming kakayahan na sumulat ng mga sanay-say tungkol sa mga bagay bagay, at sa panukalang proyekto at pagsulat ng bionote ay ginawang aral upang paghandain kami para sa aming kinabukasan bilang mga propesoyonal, sa pagbuo ng bionote ay natutunan naming kung paano ipakilala ang sarili na kompleto ang detalye at malinis ang pagka presenta, sa panukalang proyekto at bingyan tinuruan kami kung paano gumawa at magsimula ng panibagong proyekto. Sa paggawa namin nito ay nahasa ang aming kakayahan at marami kaming natutunan, at sa sentro nitong lahat ay nandoon ang aming guro na walang sawang sumusuporta saamin at nagbibigay ng kanyang suporta, nagbibigay ng mga suhestyon at nag uudyok saamin upang pagbutihin pa ang mga ginagawa.

    Ang pag-aaral ng asignaturang Filipino 201 ay sadyang mahalaga dahil hinahasa ng asignaturang ito ang iyong kakayahan at hinahanda ka para sa iyong kinabukasan

    Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang mga guro ng Filipino!

Comments