PROLOGO

        Kung may tinanim, may aanihin.

        Kung may tiyaga, may nilaga.

        Kung ika’y uusad, ika’y uunlad.

        Ang mga katagang ito ang nagbigay buhay upang mabuo ang pamagat ng Portfolio na ito – “Tagumpay bunga ng Pagsisikap at Lipad patungo sa Hinaharap: Isang Kompilasyon ng Mga Akademikong Sulatin.” Ang tagumpay ay hindi kailanman matatawag na tagumpay kung hindi mo ito pinaghirapan o pinagtrabahuan sapagkat ang tunay na tagumpay ay bunga ng mapagpursigeng pagsisikap at tiyaga. Hindi lamang ang kakanyahan ng tagumpay ang naroroon kundi pati na ang katuparan na nadarama tuwing makikita ang pag-unlad at pagpapabuti sa sariling kakayahan sa pagsulat. Isa naman talagang nakakagalak na pangyayari ang mapagtagumpayan ang isang bagay na hindi umaasa sa pagsisikap ng iba kundi sa sariling tiyaga at pagpupunyagi.

        Nilalaman ng portfolio na ito ang mga sumusunod na gawain sa asignaturang Filipino 201: Uri ng Sulatin, Replektibong Sanaysay, Bionote, at Panukalang Proyekto. Ang mga ito ay nagawa alinsunod sa pagkumpleto ng mga kinakailangan ayon sa mga paksang tinalakay. Ito rin ay mga tagapagpahiwatig sa mga bahagi na kinakailangan pang suriin at pagbutihin.

        Malinaw na makikita sa mga gawaing nakalagay sa portforliong ito ang pagsisikap na ibinuhos ng mga gumawa at ang kanilang hangaring pagbutihin ang kanilang awtput. Kapansin-pansin rin na hindi lamang nila ginalingan kundi nagpatuloy pa sa susunod na antas at hinamon ang kanilang mga sarili na paghusayan pa lalo. Itinatak nito ang tanyag na kasabihan sa ingles na “Aim High, Soar High” na nagpapahiwatig na pataasin ang tunguhin at liparin. Sa parehong kahulugan, ang portfolio na ito ay nag-aanyaya sa ibang mga mambabasa at mag-aaral na pagbutihin ang pag-aaral at abutin ang mga inaasam.

        

Magsumikap at lumipad hanggang maabot ang pinarurok ng iyong pangarap.


Comments

Post a Comment