MT2- 1

 Mini Task 02- Replektibong Sanaysay


Replektibong Sanaysay

ni Marie Jhune Abrea


    Ang pamagat ng dokumentaryo ay swak na swak sa kung ano ang ipinakita dito, “Walang Maiiwan" literal na wala talaga iwanan ang ipinakita sa dokumentaryong , magkakasama silang nagalakbay ng walang tsnelas sa mga sapa, at bulubundukin. Sama sama nilang nilalakakbay ang mahigit iisang kilometrong layo upang maka rating lang sa kanilang paaralan. Ang swerte ko na rin pala sa lagay ko ngayon at nakasasakay ako ng jeep kahit paano kung tutungo ako sa kung saan ko man gusto, kung ako siguro ang nasa kalagayan ng mga batang iyon ay hindi ko kakayanin ang isang taon o kahit buwan siguro ay di ko makakaya.

    Lumambot ang aking puso habang pinapanood ko ang dokumentaryong iyon, si Ricky at Aquino, awang awa ako sa kanila, ang bata bata pa nila at ganon na ang hirap na dinadanas nila, noong ako ay kasing edad nila ay laro lang  ang palagi kong inaatupag, dahil iyon naman ang dapat diba? Kapag bata ka ay dapat maranas mo kung ano ang pakiramdam maging bata. Laro dito, laro doon. Hindi ko akalaing iba pala ang sitwayson ng iba, hini pala lahat ng tao ay pareho ng kabataan, ang iba dumadaan pa sa hirap upang makamit ang pakiramdam ng kaligayahan, Grabe ang responsibilidad nila sa murang edad, sa pag- aaral at sa responsibilidad sa pamilya, ilang taon na rin ang naka lipas mula nang ma isa publiko ang dokumentaryong iyon, ano na kaya ang kalagayan nila ngayon ano?  Nakapagtapos ba sila elementary at highschool ? O patuloy bang nag aararo ng uma si Aquino? O Lumuyas naba si Ricky? Ang hirap talagaa ng sitwasyon nila, minsan kasi kahit gaano mo man ka gustong mag-aral, kahit gaano mo man gustong matuto ng Matimatika, Ingles at kung ano-ano pa, kapag alam mong walang susuporta sa iyo ay mahihirapan ka o di mo kayang tapusin. Kahit hindi ako nakaranas ng hirap gaya ng hirap na dinadamasa nila ay alam kong nakakapagod iyon, alam kong napakahirap balansehin ang pangarap at ang pamilya, ang pag aaral at ang trabaho. 

    Sabi ng marami Life is unfair, may punto din yan pero para sakin parehas lang naman tayo , kung sila naghihirap ngayon sigurado naman akong dadating ang araw na sila naman ang tatamasa ng kaligayahan at kapayapaan, iniisip lamang natin na hindi pantay ang buhay dahil kinukumpara natin ang ating sarili sa iba na hindi naman tayo nakakasiguro kung talagang masaya sila o nag nagpapanggap na masaya lamang, iba’t ibang klaseng tao tayo at iba’t ibang klase din ng problema ang hinaharap natin.

    Ang tanging pareho lang siguro na nakikita ko sa mga bata noong bata pa ako ay ang kagustuhan ko ring mag-aral, naalala ko pa noon na pinilit ko si mama na mag aral na ako kasi nag aaral na ang kuya ko at gusto ko ng bag na may gulong, ooo at pinag aral ako ng mama pero yung iniinert lang ako sa klase kahit wala naman ang naiintindihan noon sa sinasabi ng guro ko, pero kahit kailan ay hindi ako nag lakbay ng kilokilometrong layo, hindi ako tumawid ng sapa, at hindi ako nag lakbay ng walang tsenelas, kaya hangang hanga ako sa kanila, sa courage nilang maka tapak talaga sa paaralan at maka pag aral.

    Kahit siguro na ang laki-laki ng agwat ng paghihirap na naranasan nila kumapra sakin ay kahit paano pareho parin kaming gustong mag aral, pareho parin kaming gustong makapag tapos, at pareho parin kaming may mga pangarap na gustong makamit.


Replektibong Sanaysay

ni Kier Vincent Agbong

Walang Maiiwan

        Ang edukasyon ay susi sa lahat ng oppurtunidad ika nga sa kasabihan ngunit, marami sa mga bata lalo na sa mga walang masyadong gamit at transportasyon sa pagpasok sa skwela ay napipilitang huminto at tumulong sa pamamagitan ng pagtrabaho keysa mag aral.

    Sa napanood kong dokyumentaryo, ako ay naawa sa mga bata dahil sa kanilang dinadanas araw-araw para makapunta lang sa eskwelahan at mag-aral at na realize ko na maswerte ako dahil sa aking estado ngayon bilang isang mag-aaral ng prestihiyosong unibersidad at nakaka punta ng madali at walang hasel. Isa ring magandang “eye-opener” ang dokumentaryong iyon ni Kara David dahil, dapat nating pahalagahann ang ating pag-aaral kahit na ano mang mangyari dahil marami sa ibang mag-aaral ay gustong makatapos at makamit ang pangarap ngunit naging hadlang ang kanilang estado sa buhay. Kahit hindi ko nararanasan ang kanilang sitwasyon ngunit ramdam na ramdam ko ang kanilang pag pursigi at kagustuhang makatapos ng pag-aaral kaya saludo ako sa kanila at kanilang guro na kinakaya ang lahat upang walang sinuman ang maiiwan.

       Kahit hindi ko naranasan sa personal ang sitwasyon ng mga sa dokyumentaryo, ako ay naaawa sa kanila dahil ang kanilang mga potential ay nasasayang dahil pinapatigil sila ng pag-aaral ng kanilang magulang at ipinapatrabaho nila ang mga bata. Sana ito ay mabigyang pansin ng ating mga opisyal na mas mapabigyan pa ng access ang mga bata sa pag-aaral at mas mahikayat ang mga magulang na pa-aralin ang kanilang mga anak dahil karapatan ng bawat bata na makapag-aral at determinado naman ang mga bata na makapagtapos patunay na may pag-asa pa kahit ano man ang estado sa buhay.



Replektibong Sanaysay

ni Krisha Marie Banghal


WALANG IWANAN (dokumentaryo ni Kara David)

        Bakas at tandan-tanda ko pa sa aking alaala kung ano ang aking kinalakhan noong bata pa ako, araw-araw akong ginigising ng aking ina upang mag handa nang pumasok sa paaralan, hinahatid din ako ng aking mga magulang at binibigyan ako ng sapat na halaga ng baon upang pambili ng aking pangangailangan. Hinanapan pa nila ako ng tagapagturo o kung tawagin sa ingles ay “tutor” upang mapabuti at masigurado nilang mayroon akong matututunan sa araw-araw. Dati ay kinaiinisan ko ito sapagkat ang gusto ko lang ay mag laro magdamag at ang nasa isipan ko noon ay parang kinokontrol nila ang buhay ko ngunit matapos kong makita ang dokumentaryo ni Kara David na mayroong pamagat na Walang Maiiwan, napagtanto ko sa aking sarili na dapat akong mas magpahalaga at magpasalamat sa buhay na aking dinanas sapagkat wala ito kumpara sa kung ano man ang naranasan ng mga bata.

        Ang buhay ay puno ng pakikibaka at walang katapusan na problema, iba’t ibang hamon ng buhay ang darating sa iyo kagaya sa mga dinaranas ng mga bata sa Burgos East Elementary School na kung saan ginagawa nila lahat upang makapag aral lang sila, tinatawid nila ang ilog, naglalakad ng ilang kilometro upang makaabot sa kanilang paaralan, at minsan napipilitan pang huminto upang mag trabaho at tumulong nalang lamang sa mga magulang na kapos. Napagtanto ko na dapat mas maging pursigido ako sa aking pag-aaral sapagkat mayroong mga batang gustong makapag-aral ngunit hindi magawa dahil sa hirap ng buhay at alam ko sa sarili ko na ang pag-tatapos ng pag-aaral ay napaka importante hindi lamang dahil upang ikaw ay maging matagumpay sa buhay ngunit mas lalaki ang pagkakataon na ikaw ay mas makakatulong sa mga nangangailangan kagaya ng mga mag-aaral sa Burgos East Elementary School. 




Replektibong Sanaysay

ni Andrix Josh Felisilda


    Ang dokumentaryong aking pinanood ay pinamagatang “walang maiiwan” ito ay dokumentaryong pinangungunahan ni Kara David sa segment na I-witness. ang dokumentaryong ito ay tungkol sa mapait na buhay ng mga mag-aaral mula sa San Guillermo, Isabela kung saan ibinahagi nila ang araw-araw na buhay ng mga mag-aaral papunta at pabalik mula sa kanilang munting paaralan at ipinakita rin ang kanilang mga guro na Ganado sa pagturo at pagtulong sa kanila.

      Ang unang emosyon na aking naramdaman ay ang pagkalungkot at pagkadismaya. Lungkot dahil noong malaman ko na marami ang tumitigil sa pag-aaral sa paaralan para makatulong na sa pamilya sa sakahan at naramdaman ko ang pagkadismaya dahil kahit araw araw na tumatawid sa ilog ang mga bata papuntang paaralan walang tumulong mula sa pamahalaan para kahit man lang malagyan ng tulay upang maibsan ang peligro na kanilang dinadanas araw araw. Si Aquino at Ricky ang dalawang batang ginawang pokus ng dokumentaryong ito, silang dalawa ay matagal nang hindi pumapasok sa paaralan. Si Aquino ay hindi na pumapasok sa paaralan dahil napipilitan siyang alagaan ang kanilang kalabao upang hindi ito maghina, nakaramdam ako ng pagka-awa sa kanya dahil nakikita ko sa kanya na gusto niya talagang matuto at mag-aral ngunit dahil sa hirap ng buhay ay kailangan na niyang mag pastol ng kalabaw upang makatulong sa sakahan. Ganoon na din ang sitwasyon ni Ricky, ulila sa ama at mahina na ang katawan ng kanyang nanay, napilitan siyang magtrabaho sa sakahan upang magkaroon sila ng makakain. Sinubukan silang kumbinsihin ng kanilang guro na si Sir Jun upang bumalik sa pag-aaral sapagkat malaki naman ang kanilang potensyal gayun nadin ang kanilang gusto para matuto ngunit si Ricky lamang ang bumalik sa pag-aaral ngunit sinabihan siya na kailangan niyang magtrabaho kundi ay ipapalayas siya. 

         Marami ang emosyon na aking napalabas sa panonood ng dokumentaryong ito ngunit nangibabaw saakin ang paghanga. Simula palang nung pagka-bata ko ay ayaw na ayaw ko talagang mag-aral ngunit noong napanood ko ang dokumentaryo ay nakita ko kung gaano  ako ka swerte sa oportunidad na makapag-aral at matuto. Para sa mga bata katulad nila Ricky at Aquino ang pag-aaral ay isang biyaya ngunit tinake for granted ko lang ang oportunidad na ito. Dahil dito nabuhayan ako at nakahanap ako ng layunin pagkatapos kong mag-aaral, at ito ang makatulong sa mga bata katulad nila Ricky at Aquino.


Replektibong sanaysay: Walang Maiiwan

ni Natasha Faye Florita

 

      Walang maiiwan, dalawang salita ngunit may napakalalim na kahulugan para sa mga mag-aaral at guro ng Paaralang Elementarya ng Burgos East. Ang dokumentaryong ito ni Kara David ay nagpapakita ng kanilang mga pang araw-araw na pangyayari at mga pagsisikap sa kaniya-kaniyang laban sa buhay. Nakakalungkot nga namang tignan ang kanilang sitwasyon. Hindi man ako mismo ang nakaramdam sa kanilang mga paghihirap ngunit lubos akong nahirapan at nanghina ang aking loob sa 26 na minutong pinanuod ko ang dokumentaryo. Subalit ako rin ay nagagalak na kahit papaano ay hindi sila sumusuko kahit ano man ang kanilang pinagdadaanan.

       Ito sana ay hindi lamang makapagbigay aral sa akin kundi pati na rin sa mga kabataang mapalad na nakakapag-aral ng normal at maayos. Napagtanto ko kasing napaswerte namin na sa isang prestihiyosong paaralan kami nag-aaral, higit pa doon, hindi na namin pang kailangang problemahin ang daanan na tatahakin namin araw-araw, perang panggastos at pagkain na kakainin tuwing tanghalian. Masasabi ko talagang mapalad kami at hindi namin naranasan kailanman ang ganuon. Kaya bilib ako sa mga batang tinitiis ang marahas na daloy ng agos ng ilog at mapuputik na daanan sapagkat makikita mo talaga na sila ay nagsisikap at gumagawa ng paraan upang magpursige sa pag-aaral.

      Isa naman talagang pribilehiyo ang makapag-aral kung kaya’t hanggang sa makakaya ay ginagalingan ko ang aking pag-aaral. Ayoko kasing mapunta sa wala ang suporta at pera na ginagastos ng aking mga magulang upang masiguro na may maliwanag akong hinaharap sa buhay. Tiyak na hindi ko rin sasayangin ang tiwala at pag-aalaga na kanilang ibinigay sa akin dahil higit pa ito sa kahit na anong kayamanan na matatamo ko kaya’t kapag ako ay nakapagtapos na ay tutulong talaga ako sa aking mga magulang at sa mga hindi masyadong mapalad sa buhay upang gumaan din ang kanilang loob mula sa mga suliraning kanilang dinadala. Ako ay patuloy na magsisikap hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa mga taong nagtitiwala sa akin.

    Inaanyayahan ko ang lahat na mag-aral ng maayos bilang pagpapahalaga sa mga magulang at mga kabataang nais na tumayo saiyong kinatatayuan ngayon. Magbigay din tayo ng mga papuri sa mga guro na walang mintis kung magpaalala na walang mag-aaral na maiiwan, nagpapatunay talaga ito na ang mga guro ang mga bayani ng mga kabataan. 

     




Comments