“MALNUTRISYON: Tulungan ang Kabataan Patungo sa Malusog
na Kinabukasan”
Panukala Para
sa Pagpapatayo ng Gulayang Pambarangay at Feeding Program sa lalawigan
ng Bukidnon.
Ipinasa nina:
Keir Vincent Allen Agbong
Krisha Marie Banghal
Marie Jhune Abrea
Natasha Faye Florita
Andrix Josh Felisilda
PANGKAT 1- Aimerich A
Ipinasa kay:
Bb. Mary Elieza Bentuzal
Guro sa FIL 201
I.
Abstrak
Ang
panukalang proyektong ito ay patungkol sa pag bibigay ng mga posibleng solusyon
sa lumalaganap na malnutrisyon sa lugar ng Bukidnon at tiyak itong naglalayon na
maging daan upang makipag ugnayan sa pampublikong sektor ng Bukidnon o ang LGU upang
makahingi ng tulong pinansyal at pati na rin tulong galing sa mga Barangay
Health Worker sa bawat lugar sa Bukidnon. Ito rin ay magiging daan upang mamulat
sa realidad ang bawat tao at mabigyan ng kaagapan at puna ang nasabing isyung
panlipunan. Pamumunuan ang proyektong ito ng mga mag-aaral na nasa ika-labindalawang
baitang mula sa Xavier University- Ateneo de Cagayan. Bumuo ng isang
organisasyon na pinangangalanang PPSN Organization na ang ibig-sabihin ay “Pagkain
para sa nagugutom.” May kabuuang badyet
itong Php 670,000.00 na hahatiin para sa sahod ng mga espesyalista, gastusin
para sa buwanang feeding program na mabuti para sa isang taon, gastusin para sa
gagawing panayam at seminar at ang panghuli, gastusin para sa pagbubukas ng
seminar.
II.
Konteksto
Ang pagkakaroon ng
masiglang pamumuhay ay isa sa mga paraan upang lumaking malusog hindi lang sa
katawan pati narin sa isipan, mula pagkabata kailangan natin ng sapat na
sustansya upang lumaki ng masigla. Ayon sa Dorland’s Medical Dictionary, ang
malnutrisyon ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali
o kakulangan sa pagkain, ang malnutrisyon ay kadalasang nakikita sa mga
kabataang nakatira o namumuhay sa hindi kaaya-ayang lugar at ang malnutrisyon
ay nagsasanhi ng pagiging pandak at mahinang kaunlaran ng katawan at kaisipan
Ang probinsya ng Bukidnon
ay isa sa mga lugar kung saan ay mataas ang rate ng malnutrisyon, maraming mga
bata ang nagugutom at hindi nakakakuha ng sapat ng nutrisyon. Noong 2015 ay
dahan dahang tumataas ang rate ng malnutrisyon sa Bukidnon. Noong 2015 ay
nailista ang Bukidnon bilang pangalawa sa mga lugar kung saan ay mataas ang
rate ng stunting, ang stunting ay ang kakulangan ng tangkad ng
isang bata dahil kulang ang kaniyang naging nutrisyon sa paglaki, ang survey na
ito ay mula sa National Nutrition Survey noong taong 2015. Upang masugpo ito at
mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga kabataan mula doon ay
napagdesisyonan naming gawan ng aksyon ang problemang ito
III.
Katuwiran
ng Proyekto
A.
Paglalahad
ng Suliranin
Ang problema sa kalusugan lalo na sa mga kabataan ay
isa sa mga isyung panlipunan na kailangan ng agaran solusyon upang ito ay
masugpo at mas maging epektibo ang kabataan na naaapekto nito. Sa buong Northern Mindanao, ang Bukidnon ay
isa sa mga may mataas na kaso ng malnutrisyon at nais ng proyektong ito na bigyang
solusyon ang problemang ito sa pamamagitan ng mga nailahad na programa.
B.
Prioridad
ng pangangailangan
Kinakailangan na maipatupad ang mga proyektong naka-saad
sapagkat, ang mga programa ay nakakatulong
upang makontrol at mabigyang pansin ang isyung malnutrisyon sa mga kabataan ng
Bukidnon at upang ang mga kabataan rin ay mabigyan ng tulong para mas maging
malusog sila at tuluyang makontrol ang isyu ng malnutrisyon.
C.
Interbensyon
Maaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga
sumusunod na paraan :
a.
Pakipag-ugnayan
sa LGU ng Bukidnon upang maisagawa ang proyekto
b.
Pag-assign sa bawat miyembro kung ano ang kanilang role sa proyekto, at pagtalaga ng isang
miyembro bilang pinuno ng pag sagawa ng proyekto
c.
Ebalwasyon
sa naging proyekto
Ang mga interbensyong ito ay napagdesisyonan batay sa
mga suhestyon ng mga piling mag aaral sa ika-labing dalawang baitang ng Xavier
University-Ateneo de Cagayan na iniharap sa mga ginawang pagpupulong ng mga miyembro
ng grupo.
D.
Mag
iimplementang Organisasyon
Ang mga miyembro ng organisasyon na mag-iimplementa ng
proyektong naka-saad ay sina Keir Vincent Allen V. Agbong, Natasha Faye B.
Florita, Andrix Felisilda, Krisha Marie Banghal at Marie Jhune Abrea. Sila ay dedikado
na tulungan ang LGU ng Bukidnon upang maresolba ang isyu ng pang-kalusugan sa
mga kabataan doon. Ang adbokasiya din ng organisasyon na ito ay tulungan ang
mga kabataang nagdurusa sa sakit ng malnutrisyon at naghahadlang sa kanilang
pag-laki bilang malulusog na mga bata. Ang mga kabataan bilang pag-asa ng buong
mundo ay kailangan na alagaan at mabigyan ng maayos na nutrisyon upang lumaki
ng mabuti.
IV.
Layunin
Binibigyang pansin ng panukalang
proyekto na ito ang malnutrisyon sa lugar ng Bukidnon kung saan naka tala ito
na isa sa may pinaka mataas na Malnutrition rate sa buong Northern Mindanao.
Tiyak na layunin ay ang mga sumusunod:
a. Magkaroon ng weekly
monitoring sa mga kabataan na naka rehistro na malnourished sa lalawigan ng Bukidnon.
b. Unti-unting ma sugpo at makontrol ang malnutrsyon
sa lugar sa pamamagitan ng mga programang isunusulong ng proyekto.
c. Ang implementasiyon ng proyekto bilang isang
regular na programa para sa pagpapanatili ng kalusagan ng mga kabataan.
V.
Benipisyaryo
Ang LGU
at Kabataan ng Bukidnon. Ang proyektong ito ay nakasaad na tulungan na
maresolba ang problema sa malnutrisyon ang kabataan sa Bukidnon. Nais nitong makontrol
at mabigyan ng agarang solusyon ang malnutrisyon sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mga iba’t ibang programa na nakatala sa panukalang proyekto na ito kasama ang
lokal na pamahalaan at LGUs na naglalayon ding mabawasan ang malnutrition
rate ng bansa.
Mga mamamayan
ng lugar. Ang gulayang pambarangay
na isang programa sa panukalang proyektong ito ay makatutulong na magbigay ng karagdagang
masusustansiyang gulay at tanim sa hapag ng mga mamamayan na sakop ng proyekto.
VI.
Implementasyon
Nilalaman
ng bahaging ito ang implementasyon ng iskedyul ng mga gawain, alokasyon ng mga
kagamitan at badyet na kakailangan upang maisakatuparan ang panukulang
proyektong ito.
A.
Iskedyul
Matutunghayan sa kasunod
na talahayanan ang plano ng mga gawain ayon sa inaasahang petsa na ito ay
maisasakatuparan.
Mga Aktibidad |
Iskedyul ng Implementasyon |
(May) Responsibilidad |
|
Simula |
Katapusan |
||
Pagbuo ng plano. |
01-27-xx |
02-04-xx |
Mga miyembro ng unang
pangkat sa FIL201. |
Pakikipag-ugnayan sa mga
organisasyon, barangay at mga benipisyaryo na sangkop sa proyekto. |
02-08-xx |
02-12-xx |
Dalawang representatib
ng unang pangkat sa FIL201. |
Pag-aproba at paglabas ng badyet. |
02-11-xx |
02-17-xx |
Representatib ng pangkat
at mga kasapi sa ibang organisasyon, saksi, tagaingat-yaman ng barangay at
lalawigan. |
Paghahanap ng mapagtatayuan ng gulayan at lokasyon
ng feeding program. |
02-18-xx |
02-20-xx |
Mga miyembro ng unang
pangkat sa FIL201 at tour guide mula sa lugar. |
Pag-aproba sa plano ng pagpapatayo ng gulayang
pambarangay. 1. Gagawin ito pagkatapos napili ang lokasyon sa isang pagpupulong
kasama ang kasapi ng barangay. 2. Ang napiling disenyo ay ipahahayag at ipapaskil
sa bulletin board ng barangay hall. |
02-22-xx |
02-22-xx |
Mga miyembro ng pangkat
at mga kawani ng barangay. |
Paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga
rehistradong malnourished na mga bata. |
02-23-xx |
02-23-xx |
Tatlong miyembro ng
pangkat, mga guro sa paaralan, healthcare workers sa lugar at nutritionist. |
Pamimili at pagkuha ng mga kakailanganing resorses (labor
at materyales o kasangkapan). |
02-24-xx |
02-25-xx |
Ilang miyembro ng
pangkat at mga volunteers. |
Pagsasagawa ng feeding program at weekly
monitoring sa mga bata. 1.
Lingguhan
ang monitoring sa kalagayan ng mga bata. 2.
Kada-dalawang
lingo naman isasagawa ang feeding program. |
02-26-xx |
02-26-xx |
Mga miyembro ng pangkat,
ilang kawani ng barangay, nutritionist at mga volunteers. |
Pagsisimula ng konstruksyon ng gulayang pambarangay. |
03-01-xx |
03-20-xx |
Mga manggagawa o labor. |
Pagkakaroon ng seminar sa pang-gugulay at mag-imbita
ng nutritionist upang maturuan ang mga magulang na maiwasan ang
malnutrisyon. |
03-15-xx |
03-19-xx |
Mga miyembro ng pangkat
bilang facilitators, mga expert sa pagtatanim at nutritionist. |
Pormal na pagbubukas ng gulayang pambarangay. |
03-22-xx |
03-22-xx |
Mga kasapi ng barangay
at ang buong pangkat. |
Pagsisimula sa pagtatanim |
03-23-xx |
xx-xx-xx |
Mga benipisyaryo ng
proyekto. |
Pormulasyon ng pagsasagawa ng monthly visit sa
gulayan. 1. Ito ay isang ebalwasyon upang masiguro na maayos
ang lagay ng mga gulayan at 2. Sa unang tatlong monthly visits ay
magbibigay ng mga karagdagang kagamitan o starter packs sa pagtatanim
(buto, fertilizer, at iba pa). |
- |
- |
Isang representatib ng
pangkat at ilang experto sa pagtatanim. |
B.
Alokasyon
Ang
kasunod na talahanayan ay naglalaman ng mga paggagastuhang resorses.
Mga Aktibidad |
Paggagastuhan |
||
Sahod |
Ekwipment at Materyales |
Iba pa |
|
Pagbuo ng plano. |
|
|
Travel Expenses |
Pakikipag-ugnayan sa mga
organisasyon, barangay at mga benipisyaryo na sangkop sa proyekto. |
|
|
Travel Expenses |
Pag-aproba at paglabas ng badyet. |
|
|
Travel Expenses at mga karagdagang bayad/gastusin |
Paghahanap ng mapagtatayuan ng gulayan at lokasyon
ng feeding program. |
|
|
Travel Expenses |
Pag-aproba sa plano ng pagpapatayo ng gulayang
pambarangay. |
|
Tarpaulin (napabilang sa iba pa sa badyet) |
|
Paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga
rehistradong malnourished na mga bata. |
nutritionist |
|
Travel Expenses |
Pamimili at pagkuha ng mga kakailanganing resorses (labor
at materyales o kasangkap). |
|
Kasangkapan sa mga
lulutuin at mga materyales sa pagpapatayo ng gulayan. |
Travel Expenses |
Pagsasagawa ng feeding program at weekly
monitoring sa mga bata. 3.
Linggohan
ang monitoring sa kalagayan ng mga bata. 4.
Kada-dalawang
lingo naman isasagawa ang feeding program. |
Nutritionist at mga manggagawa sa health center. |
Pang-medikal na ekwipment |
Travel Expenses |
Pagsisimula ng konstruksyon ng gulayang pambarangay. |
Manggagawa o labor (20
na araw) |
|
|
Pagkakaroon ng seminar sa pang-gugulay at mag-imbita
ng nutritionist upang maturuan ang mga magulang na maiwasan ang
malnutrisyon. |
Nutritionist at mga experto sa pagtatanim. |
Tanda ng pagpapahalaga (Token
of Appreciation), at pagkain. |
Travel expenses |
Pormal na pagbubukas ng gulayang pambarangay. |
|
Kagamitan na gagamitin sa
pagbubukas na programa (upuan at sound system) |
|
Pagsisimula sa pagtatanim |
|
Kagamitan sa pagtatanim
(pala at tanim) |
|
Pormulasyon ng pagsasagawa ng monthly visit sa
gulayan. 1. Ito ay isang ebalwasyon upang masiguro na maayos
ang lagay ng mga gulayan at 2. Sa unang tatlong monthly visits ay
magbibigay ng mga karagdagang kagamitan o starter packs sa pagtatanim
(buto, fertilizer, at iba pa). |
|
Starter pack at kagamitan sa ebalwasyon |
Travel Expenses |
C.
Badyet
Narito
ang panukalang badyet ng proyekto:
Aytem |
Halaga (₱) |
|
Pagpapagawa ng Gulayan |
|
50,000.00 |
Sahod/ Suweldo Espeyalista (nutritionist at ibang mga
experto) ₱7,000.00/buwan sa loob ng 2 taon Manggagawa o labor ₱600.00/araw sa loob ng 20 na
araw |
₱168,000.00 ₱12,000.00 |
180,000.00 |
Gastusin para sa Feeding
Program ₱27,500/buwan |
(isang taon) |
330,000.00 |
Gastusin para sa Seminar Mga kagamitan Starter pack kada barangay ₱30,000/buwan sa loob ng tatlong
buwan |
₱10,000.00 ₱90,000.00 |
100,000.00 |
Seremonya para sa pagbubukas at iba pa |
|
10,000.00 |
KABUUANG HALAGA: |
|
₱670,000.00 |
D.
Pagmonitor
at Ebalwasyon
Ang kinatawan ng
organisasyong PPSN o Pagkain Para Sa Nagugutom na siya ring nangunguna sa
pagpapatupad ng proyekto ang magsasagawa ng monitoring at ebalwasyon. Makikipag
ugnayan rin ang organisasyon sa lokal na health center upang gawin ang
sistematikong check-up upang makita ang kondisyon ng mga tao. Batay sa
masusing pag-uusap, lingguhan ang monitoring
upang masiguro na sumisigla at gumagaling sila sa kanilang kondisyon.
Magsasagawa ng lingguhang pulong upang mapag usapan ang mga problemang dapat
asikasuhin at para mabigyan ng tamang aksyon ang mga bagay na dapat aksyonan
katulad nalang ng mga batang kailangan tulong mula sa hospital. Higit pa doon,
magkakaroon din ng buwanang dalaw at ebalwasyon sa mga gulayang pambarangay
upang masiguro na maayos ang lagay nito at naaalagaan ng mabuti. Ito ay
magbibigay daan upang mabigyang kasagutan ang mga katanungan ng mga nangangasiwa
at makamusta ang kanilang mga kalagayan.
E.
Tauhan
Pangalan |
Designasyon |
Responsibilidad |
Keir Vincent Allen
Agbong |
Pinuno ng Prokeyto |
Tagapagsiguro na lahat
ng kanyang mga membro ay isinasagawa ang kanilang tungkulin at ang lipunan ay
magkaroon ng wastong kaalaman hinggil sa paglaban sa malnutrisyon. Siya rin
ang nagsisilbing kinatawan kapag makikipag ugnayan na sa pampublikong sektor
kagaya ng LGU. |
Krisha Marie Banghal |
Social mobilizer/ tagapagpakilos sa lipunan |
Responsibilidad niya na makipag-ugnayan sa
mga Barangay Health Worker upang mapalaganap sa mga tao ang nasabing
magaganap na aktibidad at panayam. |
Marie Jhune Abrea |
BNS Facilitator/ Taga
bigay pasilidad sa Barangay Nutrition Scholar |
Responsibilidad niya na
pamunuan ang mga Barangay Nutrition Scholar sa pagsusuri sa kalagayan ng bata
kagaya ng pag-alam sa kung ano ang timbang, taas at pagkalkula sa Body Mass
Index. |
Natasha Faye Florita |
Tagapagsalita ng panayam |
Responsibilidad niya na
gumawa at magkaroon ng epektibong talumpati tungkol sa mga maaaring gawin
upang mabigyang wakas ang malnutrisyon. |
Andrix Josh Felisilda |
Tagapamahala sa badyet/
Tagapag-ingat yaman |
Responsibilidad niya na masiguro
na mabigyan ng silbi ang bawat pisong duling upang lahat ng mamamayan na
tinutulungan ng PPSN organisasyon ay makinabang at mabigyan ng tulong. |
F.
Mga Lakip
ABS-CBN News. (2017, June 12). DOH: Malnutrisyon,
nananatiling problema. ABS-CBN News; ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/news/06/12/17/doh-malnutrisyon-nananatiling-problema
Malnutrisyon
- Problema ng Kahirapan sa Pilipinas | Mediko.ph. (2020,
February 18). Mediko.ph.
https://mediko.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-pilipinas/
Region
X Regional Plan of Action for Nutrition:
https://www.nnc.gov.ph/phocadownloadpap/userupload/Ro10-webpub/Region%20X%20Regional%20Plan%20of%20Action%20for%20Nutrition%202019-2022.pdf
Comments
Post a Comment